⦿ EMERGENCY FIRST RESPONDER (EFR) TRAINING - Tarlac City Chapter

“Saving lives is our priority”ang adhikaing laging itataguyod ng samahang SCAN International. Upang ito ay laging matupad, ang mga kaanib ay nagsisikap na magkaroon ng kaalaman at kasanayan ukol sa First Aid at pagre-rescue sa panahon ng mga aksidente at mga kalamidad. Kaya ang SCAN Tarlac City Chapter ay matagumpay na nakapagsagawa ang Emergency First Responder Training Seminar.

Tinuruan at sinanay ang mga bagong members nito ng mga tamang pamamaraan at mga kaalaman na magagamit nila sa pagtugon sa mga pangyayaring hindi inaasahan katulad ng aksidente at mga kalamidad. Kitang kita sa mga trainees ang kanilang kasabikan at kaligayahan sa pakikilahok sa nasabing aktibidad. Isinagawa ito sa New Christian Academy Covered Court Barangay Tibag, Tarlac City, Tarlac noong Marso 17,18 at 19, 2022.

For more images, please visit our official FB Page or click: www.facebook.com/scaninternational.org