⦿ Philippine Independence Day

■ June 12, 2026 - Philippine Independence Day
■ Ang SCAN International ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang SCAN International bilang isang Amateur Radio Association ay taus-pusong bumabati sa lahat ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Mamalagi nawang ang ating kasarinlan ay larawan ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno na nauna sa atin. Nawa'y patuloy nating pahalagahan ang kalayaang kanilang ipinaglaban sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan, pagtataguyod ng pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa.

Bilang isang amateur radio association, mamamalagi kaming magiging bahagi ng isang komunidad na nag-uugnay sa mga tao sa panahon ng pangangailangan, sakuna, at serbisyo publiko. Tulad ng mga signal na aming ipinapadala sa himpapawid, nawa'y manatiling matatag ang ating ugnayan bilang isang bansang nagkakaisa sa iisang layunin—ang kaunlaran at kapayapaan ng Pilipinas.

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas!